Profile
» The name Catherine » Known as kitkat » 24 » nurse » Loves Zaizai, Onew, Koen, Taeyang, Jaejoong, Yunho Books, Kpop » Hates » Enjoys watching Asian series, listening to Kpop and Mandopop, reading books » I ♥ yunho, jaejoong, jinki, koen and taeyang
currently into
♥ Zaizai ♥ KOEN ♥ TVXQ ♥ Shinee ♥ K-OTIC ♥ Secret ♥ Big Bang ♥ B.A.P ♥ CNBlue ♥ Wondergirls ♥ August Band ♥ Harry Potter ♥ Kpop ♥ Mandopop
Wishlist
♣ original TVXQ and SHINEE cds and merchandise (i want all, hahaha, only have few) ♣ VIC membership ♣ 2009 ZaiZai calendar ♣ Real Time K-OTIC shirt ♣ trip to south korea, taiwan and thailand ♣ watch TVXQ (though impossible) and SHINEE perform live (saw shinee performed already but no taemin :c) ♣ watch K-OTIC perform live
Links
--» TWITTER --» TUMBLR --» Cassiopeia Philippines --» Shinee World Philippines --» Secretime Philippines --» BOICE Philippines --» TVfXQ World
Chatbox
Archives
May 2006
June 2006 July 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 March 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 January 2010 March 2010 April 2010 May 2010 July 2010 January 2011 February 2011 March 2011 May 2011 July 2011 November 2011 December 2011 January 2012 February 2012 July 2012 August 2012 October 2012 January 2013 February 2013 June 2013 January 2014 July 2014 August 2014 January 2015 February 2015
|
Monday, February 02, 2015
11:52 PM
Hello IELTS
So today, I have already started my review classes for IELTS (International English Language Test System). It is one of the requirements I need if I want to continue my profession outside the country, especially in Western area. Currently, I am aiming to work in United Kingdom.
I am now back to blogging, trying my very best posting in pure English, so I could practice my writing skill. I know no one reads this blog of mine. But still I know, I will be able to enhance my writing. Earlier today, we had our Listening Major Lecture. Sad to say I only got 18 out of 40, or a 5.5 score. It is my first time, and I admit, I find it hard to understand the audio at the room. But it's not too late. That was just one exercise. I still need to practice my listening as well as reading skills. I still got lots of time before the exam, since I enrolled for the unlimited review. Right now, motivation is what I need, and I have lots of them as of the moment. I am now going for the goal. And so may God bless and guide me. posted by: kitkat ♥
Saturday, January 10, 2015
1:59 PM
Say goodbye to 2014
As what I used to do every year, here comes my another year ender blog post (kahit na alam kong walang nagbabasa, maliban sakin.) Pero iba kasi yung feeling, especially if gusto mong magbalik tanaw sa mga nangyayari sayo. Well maliban nalang sa mga ibang kaganapan na hanggang diary/planner mo lang diba.
Anyway, I think 2014 is a year of hope for us, especially saming mga nasa Tacloban. Bagong taon matapos manalasa ang super typhoon Yolanda. Mabuti nga na sa amin, January palang, nakabitan na kami kaagad ng kuryente. HIndi rin natapos ang mga tulong at relief sa amin. From international organitions to local. Kaya nga dumami stock ko ng noodles at sardinas. Dahil delikado pa ang kalsada paggabi, 6pm pa lang, tahimik na. Sa ospital nalang rin kami natutulog pag pm shift. Siguro, paghihiwahiwalayin ko to depende sa aspeto ng aking buhay. Unahin na tin sa aspeto ng career. Ganun pa rin, nars pa rin, at sa same hospital pa rin. From Pediatric Department to Internal Medicine isama na ang Nuclear Medicine. Bumalik na rin kami sa station sa 4th floor. Ngunit after ni Typhoon Ruby, evacuate rin kami sa 3rd floor. Para lang kaming mga NPA, No Permanent Address. This year nagexpire na rin ang RN license ko. Pero narenew ko naman. Yun nga lang, hanggang ngayon, di ko pa rin nakukuha, wala pa raw yung bago kong license card. Nagrenew na rin ako ng IVT Training ko. Akalain mo yun, 3 years na pala akong nurse, pero asa Pinas pa rin ako. Hahahahaha. Nagtrain na rin ako bilang Phlebotomy course sa isang local training center. Dumayo pa kami sa Borongan na 4 hours ang biyahe from Tacloban. Pero ok lang, may sinideline rin kasi ako dun. Nagkaroon rin ng Team Building ang ospital, at take note, sosyal, sa Kuting Reef ginawa. 2 days na activity, pero divided into 2 batches kami. Sayang, mas masaya siguro kung isang buong grupo lang kami. Nagkaroon rin ng iba't ibang events sa ospital, from simple Thanksgiving party, to Service Caravan, hanggang Christmas Party, kung saan nagwagi ako ng bagong oven toaster!!! Bongga diba. Pero kung susumahin., maraming learning experience sa career sa taong nagdaan. Sa aspeto naman ng pamilya. Nag1st birthday na rin ang pamangkin kong si Mitmit. Nagkaroon rin ako ng bagong mga pamangkin, si Kira, na nandito sa Tacloban, at ang anak ni Jingjing na nasa Manila. Tumatanda na talaga kami. Kinasal na rin ang pinsan ko. Umalis na rin sila Dodoi at Jhanjhan. They are currently settling in Oman. Pero isa siguro sa malaking pangyayari ay ang pagkamatay ng uncle ko. Sakto pa, I was in Manila nung nangyari yun. Nakakabigla. Namiss ko tuloy si uncle. Sa aspeto naman ng travel. Whoot as in. Last year, I told myself, dapat makapagtravel na ako abroad by 2014. Pero wooot, witit. Pero nakapasyal naman ako dito sa Region 8. Nakarating ako sa Agas Agas Bridge, pati sa Kuting Reef. Nakarating rin ako ng Biliran, pati sa napakagandang Tinago Falls. Nakapunta na rin ako sa Borongan Eastern Samar, kahit na training lang ang sinadya ko dun. Sa aspeto naman ng lovelife. Meron ba? Meron ata, pero ewan, maybe just a short love story. Love story nga ba or infatuation. From curse este crush lang kasi. Hahahaha Sa mga kaibigan naman. First time kong magovernight na kasama ang Bangag. Hehehe, feeling highschool lang. Almost complete rin kami nung nagkita kita kami nung December. New friends rin since may mga bagong staff ng ospital. Nakita ko rin ulit ang mga kaibigan kong sa Kpop ko lang nakilala. Pumunta ako ng Kpopcon6 just to see them again and have a simple chat with them.Though most of them are busy because of the event. Me time. Ang dami kong bagong experiences. Maliban sa magtravel, puro kain rin ang mga ginawa ko. Pano naman kasi, ang daming mga nagbukas na bagong mga restaurants. Nakaranas na rin akong uminom ng beer, medyo malasing at pumarty sa bar/club (oh yeah). Dinaig pa ata ako ng mga teenagers. Yan kasi ang mga di ko naranasan nung teenager pa ako. Pero ok lang malate, kesa pag tumanda na ako at magfeeling bata, di ba. Sinubsob ko rin ang sarili ko sa pagbabasa ng mga novels, panonood ng series, at paggantsilyo. Ang dami kong "me time". Nagstart na rin akong magexercise. Bumili ako ng bike, at nagjajogging na rin ako. HIndi ko alam kung marami ba talagang mga pangyayari. Pero kasi, while summarizing my 2014 planner, parang ang onti lang rin ng mga happenings. Halos puro duty at kain sa labas ang laman. Hahaha. Pero iba ang vibes ko ngayong 2015. Iba eh. Pero sana positive vibes talaga. Bring it on 2015. Labels: 2015 posted by: kitkat ♥
Sunday, August 31, 2014
12:34 AM
Currently reading...
Hmmm. So now, I'm back to books. Lately, I've been dividing my attention between books, crochet and Asian series (making myself busy for other reasons). Aside from those hobbies, I'm also practicing my profession as a nurse.
I'm currently reading The Rise of Nine by Pittacus Lore, the 3rd installment of the I Am Number Four Series or the Lorien Legacies. Not actually my type of novel (I don't even know why I bought the box set in the first place). But actually the 2nd one is better than the 1st. Anyway, about aliens living in planet Earth. Gardes fighting the Mogadorians. What will happen now that John was separated from Six and Sam, John meeting Nine, and Six together with Clayton and Ella searching for the boy with miraculous abilities. Here's what at the back of the book: THEY know the charm is broken. I just hope I could finish the book before I go to Manila so I could put the whole box set at our bookshelves back at home. Okay, time to go back to the Lorien world, or should I say back to Earth with Loriens and Mogadorians. Hihihi Labels: book, Lorien Legacies, Pittacus Lore, The Rise of Nine posted by: kitkat ♥
Saturday, July 26, 2014
3:26 AM
blogging on a night shift
Whoa, it's been a while since I opened my blog. I was too busy with random stuff: work, crochet, books, movies, boyfriend. Hahaha.
And so here I am, posting a short entry with a hungry tummy (that was random). A small number of patients for my night shift, mostly pediatrics since I am assigned at the Pediatrics department. Hmmm, maybe I should try revamping this blog with random posts (though I know no one reads this). Hahahaha Ok, time to grab some snack, my tummy's crying already. posted by: kitkat ♥
Sunday, January 12, 2014
12:07 AM
Bye Bye 2013
Tapos nanaman ang 2013, ilang araw nalang 2014 na. As usual, gagawa nanaman ako ng year-end entry ko. While typing, naisip ko bigla na hindi naman ganun kainteresting yung 2013 ko, kaya di na per month ang entry.
Siguro ang pinakahighlight ng 2013 ko is nagkaroon ako ng regular na trabaho, regular dahil sumusweldo ako at hindi libre ang serbisyo. Though I have to live in Tacloban pero ok lang, tiis tiis makakalap lang ng experience. Like what I always tell myself, maybe God has His reasons kung bakit di ako nakuha sa isa at dito ako nilagay. I have to give up my Manila lifetyle, meaning the kainans, gala with family and friends, and our bahay para lang makapagwork. Naassign rin ako sa Neuroscience Dept which I have to perform EEG while the tech was having her training sa Manila. New learning, new skill. hehehe. Another highlight was the Yolanda incident. Since asa Tacloban ako, and asa downtown area, lumangoy ang beauty ko sa tubig dagat na pumasok sa bahay namin due to storm surge. Grabeng experience lang, napapanood ko lang dati sa tv, tas ako na pala ang sasakay sa styro na paninda ng ice candy, naiimagine mo ba??? But I'm still thankful na ayos ang bahay namin, pinasok lang ng tubig yung 1st floor, tsaka kumpleto pa kami. At nakita ko ang crush kong si Atom Araullo. The rest, college na kapatid ko, I have my new tablet, ang pinapangarap kong Note 8.0. Also sa room ko dito sa Tacloban, may sarili akong ref. Oh yeah!!! taguan ng pagkain para di langgamin, hahahaha. Nakaattend rin ako ng KpopCon5 though di na ako ganun ka-enthusiast di gaya nung mga unang mga taon. Ang daming concerts rin na namiss ko, from 2PM to CNBLUE pati SHINee!!!!! Oo, though hindi full length concert nila at kulang sila, andun pa rin si Onew at SHINee pa rin yun. Tas Seo In Guk went to Philippines pero sa Davao naman, sayang pero waaaaa, Seo InGuk kasi un... New members of the clan, may new pamangkins ako, si Mitmit na pagkacute cute at si Maddie na hindi ko pa nakikita dahil nasa kabilang parte ng mundo, sa Chicago. Ang one year wedding preparation ay naganap rin. Lahat kaming magpipinsan ay present, si Kuya Jeff lang na nasa Chicago ang di nakauwi since he has to take care of his daughter. Masaya di lang dahil bongga kundi dahil magkakasama kaming magpipinsan. We are a big family after all. My 2 year relationship ended this year. And all due to infidelity hahahaha, grabe lang. Blessing siguro sa side nila, pero ikokonsider ko nalang rin na blessing para sakin since maaga palang, namulat na ako sa katotohanan. Ngayong 2014, ang damin kong goal. From books to read, hanggang sa pagsimula ng pagtravel (as if my salary is enough for me to travel, baka pangkain lang yun). But then no one can stop me from dreaming. I have my goals habang bata at single pa ako. hahaha. Happy new year sating lahat!!!! Labels: 2013 posted by: kitkat ♥
Saturday, June 22, 2013
10:44 PM
Jose Karlo's, My Lost and Found Area For Today
Last night I started to crave for some foods despite of my plan to go on a diet. I still need to explore Tacloban for some restaurants and cafe. My coworker told me that people here loves to eat.
I know a few places here but haven't really tried them. Currently, I am a regular ZenTea customer that even some of the baristas know me by my face and they know my profession (thanks to my uniform). So last night my plan was to visit a certain cafe named "Grelio's". Saw it somewhere in Google while searching for Sunzibar menus. Looking at the photo of their cheesecake made me crave for some. So I decided to have a visit this afternoon instead of grabbing a cup of coffee at Bo's Coffee (because I believe it is cheaper than Bo's) However, I wasn't able to locate the place despite of my long walk around Real St. and Justice Romualdez. Theis facebook page says it is located at Real St. but the map shows it is situated somewhere at Justice Romuladez. So I ended up at Jose Karlo's Coffee after a long walk. It is located beside Sto.Nino Church. If my memory serves me right, this is my 3rd visit. First was with my mom and aunt after our Sunday mass. Then 2nd was with my sister, again after our Sunday mass. They have pastas, sandwiches, muffins and cakes. I haven't tasted their pastas but I like their Adobo pandesal. This time I ordered for a carrot cake and Mescoccino Karlo. The carrot cake is not that tasty as I expected and the icing was too sweet for me. However the Mescoccino Karlo has somewhat a taste of coffee + choco which is favorable for me.
Carrot cake and Mescoccino Karlo
Next time I will try another cafe searching for what suites my taste. After all I am now a Taclobanon and I must find my cravings here, cravings that I used to have back in Manila. Labels: cakes, coffee, Jose Karlo, Tacloban posted by: kitkat ♥
Sunday, June 16, 2013
1:01 AM
DBSK: Dodong Bata Sa Kalye (Chapter 2)
Chapter 2: Park Yuchun
"Maria, Ave MariAAA!!!" birit ng isang dalagang nasa kalagitnaan ng voice lesson. "Ano bayan, ayusin mo naman, 'wag galing sa lalamunan, dapat sa diaphragm." usal ng kanyang gurohabang dinedemo kung saan dapat manggaling ang boses. "O sige, one more time." "Maria!!! *ubo.ubo*" "Tama na nga, bukas na lang ulit." sabi ng guro habang nagliligpit ng piyesa. Taon nang nagtuturo si Yuchun ng voice lesson sa mga taong nais matuto. Kasama ang kanyang organ at mga piyesa, nagtayo siya ng maliit na studio sa ilalim ng tulay ng Nagtahan. Mahilig siyang magsulat ng mga awit na tila hanggang sa papel na lamang. *gurgling sound* Naisip na ni Yuchun na umuwi ngunit dahil narinig niya ang pagkulo na kanyang tiyan, naisipan niyang dumaan sa kalapit na karinderia. "Just once, can we find the way to finally make it right, OoohhHH!!!" "Anu ba 'yan, ba't ganun yung kumakanta” usal ni Yuchun habang namimili ng ulam. "Hayaan mo na, oh, anu ba order mo Yuchun?” tanong ni Aling Maria "Adobo nalang po" sagot ni Yuchun "Kamusta naman pagtuturo mo?" tanong ni Aling Maria habang nagsasandok ng adobo. "Mahina nga po eh." "Oh, eto na adobo mo, hayaan mo, irereto kita sa mga maghahanap." "Salamat po." sabay kuha ng kanyang adobo. Paguwi ni Yuchun, hinanda na niya ang kanyang ulam sa hapag-kainan. Mag-isa lamang siyang naninirahan sa kanyang tahanan, kasama ang kanyang aso na si Bantay. Maliit lamang ang kanyang bahay. Nakatayo lamang ito sa gilid ng riles. "Ringg..." "Hello, oh bakit?" sagot ni Yuchun sa kanyang cellphone "Oh sige, mga "Ok sige, bye." Pagbalik niya sa hapag-kainan, nawala ang adobo niya. Pagsilip sa ilalim ng mesa, kinain na pala ni Bantay. Wala na siyang magawa kundi kumain nalang ng kanin na may toyo at asin. "Hay.. Ang hirap ng buhay, kalian ba ako giginhawa?" bulong niya sa sarili habang nagpapahinga sa upuan. At unti-unting dumilim ang paligid. Labels: dodong bata sa kalye, fanfic posted by: kitkat ♥ |
|