Profile



~i lay my love ONEW, it's all i wanna do~<


» The name Catherine
» Known as kitkat
» 24
» nurse
» Loves Zaizai, Onew, Koen, Taeyang, Jaejoong, Yunho Books, Kpop
» Hates flying cockroaches, backstabbers
» Enjoys watching Asian series, listening to Kpop and Mandopop, reading books
» I ♥ yunho, jaejoong, jinki, koen and taeyang



Monday, June 18, 2007
7:10 PM

Grabeng experience ngayung araw na to, imagine, foundation day namin (an aga no?! kasi nga foundation, meaning kelan nagbukas or tinatag). Kahit wala kaming pasok required na pumasok, me attendance kasi. Ayun, ang highlight, gusto na naming umuwi but we’re not allowed. Gates were closed, para kaming nasa isang malaking kulungan. Sabi nga ng friend ko, illegal detention nga daw yun, oo nga. Hay grabe, talagang desperado na kami na umabot na sa pagbabalak na tumalon sa bakod sa may gym… kaso nga lang, mataas, kaya cancel ang plano. Nung nagparade na, sumama kami kasi tatakas talaga kami, nagisip na nga kami ng mga strategies kung panu eh. So ayun, paglabas ng PLM, nagdadalawang isip pa kami kasi narining naming yung lady guard sabi “kaw sa nursing”. Sa ibang kanto, may mga pumuslit na, kaso natatakot kami, haha… Nung lumiko nanaman at heading towards Manila Cathedral, nakapagdecide na kami, tatakas talaga kami. Ayun, sa may kanto, lakad muna kami, nung may narinig kaming sumitsit, takbo kami, hahaha…. Takbo hanggang sa may Manila Highschool. Pagdating sa may Mapua, tumakas na kami, haha. Grabeh talaga. Pagbaba naming sa Taft corner P.Gil, nanakit na binti ko, matagal tagal na rin pala di ako nakakatakbo, haha…
Grabeh… bukas, kung di lang talaga ako magclaclaim ng uniform sa CHN, di talaga ako pupunta sa skul, ayukong makulong ulit noh… hays…. Sige, sakit parin ng mga binti ko..


posted by: kitkat ♥

(0) comments