Profile



~i lay my love ONEW, it's all i wanna do~<


» The name Catherine
» Known as kitkat
» 24
» nurse
» Loves Zaizai, Onew, Koen, Taeyang, Jaejoong, Yunho Books, Kpop
» Hates flying cockroaches, backstabbers
» Enjoys watching Asian series, listening to Kpop and Mandopop, reading books
» I ♥ yunho, jaejoong, jinki, koen and taeyang



Sunday, June 16, 2013
1:01 AM
DBSK: Dodong Bata Sa Kalye (Chapter 2)

Chapter 2: Park Yuchun

"Maria, Ave MariAAA!!!" birit ng isang dalagang nasa kalagitnaan ng voice lesson.
"Ano bayan, ayusin mo naman, 'wag galing sa lalamunan, dapat sa diaphragm." usal ng kanyang gurohabang dinedemo kung saan dapat manggaling ang boses.
"O sige, one more time."
"Maria!!! *ubo.ubo*"
"Tama na nga, bukas na lang ulit." sabi ng guro habang nagliligpit ng piyesa.

Taon nang nagtuturo si Yuchun ng voice lesson sa mga taong nais matuto. Kasama ang kanyang organ at mga piyesa, nagtayo siya ng maliit na studio sa ilalim ng tulay ng Nagtahan. Mahilig siyang magsulat ng mga awit na tila hanggang sa papel na lamang.

*gurgling sound*
Naisip na ni Yuchun na umuwi ngunit dahil narinig niya ang pagkulo na kanyang tiyan, naisipan niyang dumaan sa kalapit na karinderia.

"Just once, can we find the way to finally make it right, OoohhHH!!!"
"Anu ba 'yan, ba't ganun yung kumakanta” usal ni Yuchun habang namimili ng ulam.
"Hayaan mo na, oh, anu ba order mo Yuchun?” tanong ni Aling Maria
"Adobo nalang po" sagot ni Yuchun
"Kamusta naman pagtuturo mo?" tanong ni Aling Maria habang nagsasandok ng adobo.
"Mahina nga po eh."
"Oh, eto na adobo mo, hayaan mo, irereto kita sa mga maghahanap."
"Salamat po." sabay kuha ng kanyang adobo.

Paguwi ni Yuchun, hinanda na niya ang kanyang ulam sa hapag-kainan. Mag-isa lamang siyang naninirahan sa kanyang tahanan, kasama ang kanyang aso na si Bantay. Maliit lamang ang kanyang bahay. Nakatayo lamang ito sa gilid ng riles.

"Ringg..."
"Hello, oh bakit?" sagot ni Yuchun sa kanyang cellphone
"Oh sige, mga 4pm nalang."
"Ok sige, bye."

Pagbalik niya sa hapag-kainan, nawala ang adobo niya. Pagsilip sa ilalim ng mesa, kinain na pala ni Bantay. Wala na siyang magawa kundi kumain nalang ng kanin na may toyo at asin.

"Hay.. Ang hirap ng buhay, kalian ba ako giginhawa?" bulong niya sa sarili habang nagpapahinga sa upuan.
At unti-unting dumilim ang paligid.



Labels: ,



posted by: kitkat ♥



Comments: Post a Comment