Profile



~i lay my love ONEW, it's all i wanna do~<


» The name Catherine
» Known as kitkat
» 24
» nurse
» Loves Zaizai, Onew, Koen, Taeyang, Jaejoong, Yunho Books, Kpop
» Hates flying cockroaches, backstabbers
» Enjoys watching Asian series, listening to Kpop and Mandopop, reading books
» I ♥ yunho, jaejoong, jinki, koen and taeyang



Sunday, January 12, 2014
12:07 AM
Bye Bye 2013

Tapos nanaman ang 2013, ilang araw nalang 2014 na. As usual, gagawa nanaman ako ng year-end entry ko. While typing, naisip ko bigla na hindi naman ganun kainteresting yung 2013 ko, kaya di na per month ang entry.

Siguro ang pinakahighlight ng 2013 ko is nagkaroon ako ng regular na trabaho, regular dahil sumusweldo ako at hindi libre ang serbisyo. Though I have to live in Tacloban pero ok lang, tiis tiis makakalap lang ng experience. Like what I always tell myself, maybe God has His reasons kung bakit di ako nakuha sa isa at dito ako nilagay. I have to give up my Manila lifetyle, meaning the kainans, gala with family and friends, and our bahay para lang makapagwork. Naassign rin ako sa Neuroscience Dept which I have to perform EEG while the tech was having her training sa Manila. New learning, new skill. hehehe.

Another highlight was the Yolanda incident. Since asa Tacloban ako, and asa downtown area, lumangoy ang beauty ko sa tubig dagat na pumasok sa bahay namin due to storm surge. Grabeng experience lang, napapanood ko lang dati sa tv, tas ako na pala ang sasakay sa styro na paninda ng ice candy, naiimagine mo ba??? But I'm still thankful na ayos ang bahay namin, pinasok lang ng tubig yung 1st floor, tsaka kumpleto pa kami. At nakita ko ang crush kong si Atom Araullo.

The rest, college na kapatid ko, I have my new tablet, ang pinapangarap kong Note 8.0. Also sa room ko dito sa Tacloban, may sarili akong ref. Oh yeah!!! taguan ng pagkain para di langgamin, hahahaha.
Nakaattend rin ako ng KpopCon5 though di na ako ganun ka-enthusiast di gaya nung mga unang mga taon.


Ang daming concerts rin na namiss ko, from 2PM to CNBLUE pati SHINee!!!!! Oo, though hindi full length concert nila at kulang sila, andun pa rin si Onew at SHINee pa rin yun. Tas Seo In Guk went to Philippines pero sa Davao naman, sayang pero waaaaa, Seo InGuk kasi un...

New members of the clan, may new pamangkins ako, si Mitmit na pagkacute cute at si Maddie na hindi ko pa nakikita dahil nasa kabilang parte ng mundo, sa Chicago. Ang one year wedding preparation ay naganap rin. Lahat kaming magpipinsan ay present, si Kuya Jeff lang na nasa Chicago ang di nakauwi since he has to take care of his daughter. Masaya di lang dahil bongga kundi dahil magkakasama kaming magpipinsan. We are a big family after all.

My 2 year relationship ended this year. And all due to infidelity hahahaha, grabe lang. Blessing siguro sa side nila, pero ikokonsider ko nalang rin na blessing para sakin since maaga palang, namulat na ako sa katotohanan.


Ngayong 2014, ang damin kong goal. From books to read, hanggang sa pagsimula ng pagtravel (as if my salary is enough for me to travel, baka pangkain lang yun). But then no one can stop me from dreaming.  I have my goals habang bata at single pa ako. hahaha.


Happy new year sating lahat!!!!

Labels:



posted by: kitkat ♥

(0) comments