Profile



~i lay my love ONEW, it's all i wanna do~<


» The name Catherine
» Known as kitkat
» 24
» nurse
» Loves Zaizai, Onew, Koen, Taeyang, Jaejoong, Yunho Books, Kpop
» Hates flying cockroaches, backstabbers
» Enjoys watching Asian series, listening to Kpop and Mandopop, reading books
» I ♥ yunho, jaejoong, jinki, koen and taeyang



Wednesday, April 08, 2009
10:45 PM
DBSK: Dodong Bata Sa Kalye

nais ko lang ipost ito dito habang down pa site ng cass

hala, baka dito maupdat ko na fic ko tas wala parin yung site.. hehehehe


-----------------------------------------------

Chapter 1: Jung Yunho

"Sorry Yunho, but it's a no."
Muli nanamang tinanggi si Yunho sa ika-n na pagkakataon sa isang patimpalak.

Di bale, sisikat rin ako, tandaan niyo yan.
Ang lagging iniisip ni Yunho sa tuwing hindi siya tinatanggap sa mga audition.

Bata pa lamang ay mahilig na siyang kumanta. Lagi siyang sumasali sa mga patimpalak sa mga fiesta, sa paaralan at sa telebisyon. Madalas rin siyang dalhin ng kanyang ama sa mga inuman at burol para kumanta. Nang siya'y lumaki, patuloy pa rin siyang kumakanta sa mga burol, inuman, at sa paborito niya, ang videoke.

"I did my best, but I guess my best wasn't good enough."
Nagsimula ng bumirit si Yunho sa videoke ng Carinderia ni Aling Maria.

"Aw! Aw! Aw!" tahol ng aso ni Aling Maria matapos ang pagkanta ni Yunho.
"Mukhang hindi ka nanaman natanggap ah.", usal ni Aling Maria habang nagbubugaw ng langaw.
"O eto, ang paborito mo, adobo, 'wag mo nang bayaran.", sabi ni Aling Maria.
"Salamat Aling Maria."

Naglalakad na pauwi si Yunho ng biglang may umaarangkadang motorsiklo na dumaan.

"Hoy!!! Yung adobo ko, ibalik niyo!!!" sigaw ni Yunho sa lalaking nakahelmet
Ngunit huli na ang lahat, nakalayo na ang lalaking nakamotorsiklo tanga-tangay ang adobo ni Yunho.

At patuloy na umuwi si Yunho. Pagdating sa kanyang munting palasyo, umupo siya sa kanyang berdeng trono, ang malambot at malaking sofa na ipinamana pa ng kanyang lolo.

Napakaraming tao, nag-uunahan, nagsisiksikan. Malaks ang tugtog, naglalaro ang mga ilaw. Handa na ang lahat, tila siya na lamang ang kulang. Pagtapak sa entablado, lumakas ang tilian, ang hiyawan. Nagsimula na siyang umawit. Nang biglang unti-unting nawala ang ilaw, ang musika. Dumilim ang paligid, tila mag-isa na lamang siya.

Labels: ,



posted by: kitkat ♥

(0) comments


9:53 PM
panandaliang pamamaalam

sa tingin ko eto na yung last day na makakapag-internet ako.. huhu

sa friday ako'y panandaliang mawawala

magtutungo sa puso ni onew para sa isang bakasyon

syempre puro dugo kasama ko dun
dugong dumadaloy para lamang kay kitkat.. wahahahaha


nakakahiya naman makigamit ng pc eh..

kaya
>dinownload ko na at nilagay sa cp ko mga magagandang vids
>nagpost na ng mga cover ko..lol
>nagvote na sa channel v
>nanood ng ilang episodes ng WGM
>nagspazz sa sarili.. haha


ngayong mahal na araw, tayo'y magnilay nilay...



so panu ba yan...
see you sa pagbalik ko
that would be april 25 (tentative pa nga eh, ayaw ako pauwiin ni onew.. wahahaha)

pagbalik ko NORAEBANG TAYO!!!!
sa MAYO nalang pala para may lollipop na

at sana magupdate na ang joo sarang. wahahaha



posted by: kitkat ♥

(0) comments


Monday, April 06, 2009
4:19 PM
lollipop sa noraebang

napadpad ako sa site ng kumyoung kasi my friend was asking for bigbang and wonder girls songs

then nakita ko may lollipop na

46619 Lollipop
인터넷 반주기 : 4월 2일 수록
일반 반주기 : 5월 1차 신곡 예정
빅뱅,2NE1(투애..


09/05/1차

well i hope meron na to sa joo sarang
yung gee nga matagal bago nagkaroon
meron na nga ba?

haaayy, sa pagbalik ko pa ata ako makakapagnoraebang...



posted by: kitkat ♥

(0) comments


1:23 PM
what's with those korean channels

i know it is illegal, posting their vids at youtube or any streaming sites

kanina, i was watching come to play ng dbsk sa youtube, yung account ni ginaya

then nung next part na ako, di na nagload
ayun sinuspend na..

kasi naman, i think those korean channels should release an official channel para sa mga vids nila, kikita rin naman sila nun through advertisements

at yun na nga lang yung nagiging source ng fandom ng overseas fans.. diba diba

mas matitino pa nga daw yung fansubs kesa sa subs ng kbs
yung boys over flower vids sa yt, dinelete na yung iba, at sinuspend na yung ibang accounts

ay naku, dala lang ito ng inis...

manonood na ulit ako



posted by: kitkat ♥

(0) comments


Friday, April 03, 2009
9:31 AM
Goodbye fandom

not really

mamimiss ko ang internet
mamimiss ko ang pagspazz

i'll be out for a couple of weeks, 2 weeks i guess
out for a vacation on the other island of the philippines

goodbye manila, hello tacloban ang drama ko.. lol

syempre, mamimiss ko ang internet
april 10 ang alis namin and di pa sure ang balik kung april 25, mahal pa dw pamasahe

BLOCKMATES!!! text niyo ako about sa summer duty ha.. yun ang kinakatakot ko eh... sana wag muna.. lol

WGPH: sorry di ako makakapunta sa gathering kahit gustong gusto ko, 1st gath di ako nakapunta, tas 2nd gath di nanaman

JASMINE: gustuhin ko man pumunta sa EM, pero malabo nanaman ata, baka 25 pa uwi namin


waaaaaaaaaaaaaaa......
im just going to check about my fandom through updates sa mail at sa mga status nyio sa YM

waaaaaa... buti nalang naout na yung lollipop mv

kaya eto ngayun, para di ko sila mamiss ng sobra, nilalagay ko mga selected vids sa cp ko.. hahaha


text text nalang guys

i will miss fandom!!!! *ang drama--wapak*



posted by: kitkat ♥

(0) comments


8:53 AM
[DOWNLOAD] Lollipop MV + The Making

oh yeah, MV is already out
akala ko isa lang part ni Sandara, di pala... wahahahaha

Download the MV in HQ HERE
credits: S님 + hq_twentyone@lj + kitkat

Download the making in HQ HERE
credits: 와쥐베베님 + hq_twentyone@lj + kitkat



posted by: kitkat ♥

(0) comments


8:28 AM
Pinoy movies: Noon at Ngayon

Noon: Ang mga climax ng love stories ay laging action. Kinidnap si babae at ililigtas ni lalaki. O kahit ano na may kasamang bakbakan at suntukan.
Ngayon: Si babae ay mag-eemote at susuyuin ni lalake. O kaya nama'y may nakita si baba na may kasamang ibang babae si lalaki kaya LQ sila.

Noon: Ang mga comedy ay may halong bakbakan at suntukan kahit comedy iyon.
Ngayon: Wala ng action, drama na ang meron sa comedy.

Noon: Ang mga action movies ay in. Bong Revilla, Rudy Fernandez, FPJ, Robin Padilla, at kung sino-sino pa.
Ngayon: Love stories ang in. John Lloyd-Sarah, Bea-Sam, at kung sino-sino pa.

Noon: Hindi mawawala ang kantahan at sayawan sa beach lalo na kung comedy.
Ngayon: Hindi na sa beach ang kantahan at sayawan. Panay OST nalang at mag-eemote na lang ang mga artista.

Noon: May mga goons sa mga pelikula.
Ngayon: Mga patweetums na ang meron.

Noon: Ang mga bold o bomba films ay pinalalabas sa sinehan, yung tipong large producers.
Ngayon: Sa indie films nalang ang mga sexy-bomba films.

at higit sa lahat

Noon: Sa sinehan nanonood ang mga tao.
Ngayon: Sa pirated DVD nalang nanonood.



posted by: kitkat ♥

(0) comments


Wednesday, April 01, 2009
5:46 PM
hinanakit ng fangirl

i always hear it

blah blah blah blah blah blah blah

maghapon na raw ako sa internet, inaabot ng umaga

mahal na ang kuryente dahil maghapon ang computer

tas wala pa raw katuturan yung iniinternet ko

pero pero pero

buti nga dito lang ako sa loob ng bahay
i don't go elsewhere
i don't lurk around the streets
i don't go out late at night
i don't even go to bars though i want to try it


don't they understand me?
i mean, for me, this is the ONLY thing that i WANT to do....

try to have a scan of my life, and you'll agree with me

this is the only thing im happy to do (except from reading harry potter books and watching korean dvds, that still counts as fangirling? lol)

but heck, ewan ko ba

i dont know

will they try to stop the things im happy with?



posted by: kitkat ♥

(0) comments


2:47 PM
ang pinakagwapong doctor sa balat ng lupa

yesterday, Boys Over Flower ended

achievement ito para sa akin
imagine, natapos ko ang 25 episode series through online
yung tipong inaabangan namin ni marjorie sa net para iupload with subs.. whahahaha

napaiyak nanaman ako ng isang series

pero nakakakilig

lalo na kung ang doctor ba naman ay kasing gwapo nito...







kung siya ba naman ang doctor, pwde bang sa kanya ako magtrabaho bilang nars?
sa clinic ng lolo ni jihoo, dun ako magnanars.. lol

and one more thing

i love this...



hahahaha



posted by: kitkat ♥

(0) comments