Profile



~i lay my love ONEW, it's all i wanna do~<


» The name Catherine
» Known as kitkat
» 24
» nurse
» Loves Zaizai, Onew, Koen, Taeyang, Jaejoong, Yunho Books, Kpop
» Hates flying cockroaches, backstabbers
» Enjoys watching Asian series, listening to Kpop and Mandopop, reading books
» I ♥ yunho, jaejoong, jinki, koen and taeyang



Wednesday, April 08, 2009
10:45 PM
DBSK: Dodong Bata Sa Kalye

nais ko lang ipost ito dito habang down pa site ng cass

hala, baka dito maupdat ko na fic ko tas wala parin yung site.. hehehehe


-----------------------------------------------

Chapter 1: Jung Yunho

"Sorry Yunho, but it's a no."
Muli nanamang tinanggi si Yunho sa ika-n na pagkakataon sa isang patimpalak.

Di bale, sisikat rin ako, tandaan niyo yan.
Ang lagging iniisip ni Yunho sa tuwing hindi siya tinatanggap sa mga audition.

Bata pa lamang ay mahilig na siyang kumanta. Lagi siyang sumasali sa mga patimpalak sa mga fiesta, sa paaralan at sa telebisyon. Madalas rin siyang dalhin ng kanyang ama sa mga inuman at burol para kumanta. Nang siya'y lumaki, patuloy pa rin siyang kumakanta sa mga burol, inuman, at sa paborito niya, ang videoke.

"I did my best, but I guess my best wasn't good enough."
Nagsimula ng bumirit si Yunho sa videoke ng Carinderia ni Aling Maria.

"Aw! Aw! Aw!" tahol ng aso ni Aling Maria matapos ang pagkanta ni Yunho.
"Mukhang hindi ka nanaman natanggap ah.", usal ni Aling Maria habang nagbubugaw ng langaw.
"O eto, ang paborito mo, adobo, 'wag mo nang bayaran.", sabi ni Aling Maria.
"Salamat Aling Maria."

Naglalakad na pauwi si Yunho ng biglang may umaarangkadang motorsiklo na dumaan.

"Hoy!!! Yung adobo ko, ibalik niyo!!!" sigaw ni Yunho sa lalaking nakahelmet
Ngunit huli na ang lahat, nakalayo na ang lalaking nakamotorsiklo tanga-tangay ang adobo ni Yunho.

At patuloy na umuwi si Yunho. Pagdating sa kanyang munting palasyo, umupo siya sa kanyang berdeng trono, ang malambot at malaking sofa na ipinamana pa ng kanyang lolo.

Napakaraming tao, nag-uunahan, nagsisiksikan. Malaks ang tugtog, naglalaro ang mga ilaw. Handa na ang lahat, tila siya na lamang ang kulang. Pagtapak sa entablado, lumakas ang tilian, ang hiyawan. Nagsimula na siyang umawit. Nang biglang unti-unting nawala ang ilaw, ang musika. Dumilim ang paligid, tila mag-isa na lamang siya.

Labels: ,



posted by: kitkat ♥



Comments: Post a Comment