Profile



~i lay my love ONEW, it's all i wanna do~<


» The name Catherine
» Known as kitkat
» 24
» nurse
» Loves Zaizai, Onew, Koen, Taeyang, Jaejoong, Yunho Books, Kpop
» Hates flying cockroaches, backstabbers
» Enjoys watching Asian series, listening to Kpop and Mandopop, reading books
» I ♥ yunho, jaejoong, jinki, koen and taeyang



Friday, April 03, 2009
8:28 AM
Pinoy movies: Noon at Ngayon

Noon: Ang mga climax ng love stories ay laging action. Kinidnap si babae at ililigtas ni lalaki. O kahit ano na may kasamang bakbakan at suntukan.
Ngayon: Si babae ay mag-eemote at susuyuin ni lalake. O kaya nama'y may nakita si baba na may kasamang ibang babae si lalaki kaya LQ sila.

Noon: Ang mga comedy ay may halong bakbakan at suntukan kahit comedy iyon.
Ngayon: Wala ng action, drama na ang meron sa comedy.

Noon: Ang mga action movies ay in. Bong Revilla, Rudy Fernandez, FPJ, Robin Padilla, at kung sino-sino pa.
Ngayon: Love stories ang in. John Lloyd-Sarah, Bea-Sam, at kung sino-sino pa.

Noon: Hindi mawawala ang kantahan at sayawan sa beach lalo na kung comedy.
Ngayon: Hindi na sa beach ang kantahan at sayawan. Panay OST nalang at mag-eemote na lang ang mga artista.

Noon: May mga goons sa mga pelikula.
Ngayon: Mga patweetums na ang meron.

Noon: Ang mga bold o bomba films ay pinalalabas sa sinehan, yung tipong large producers.
Ngayon: Sa indie films nalang ang mga sexy-bomba films.

at higit sa lahat

Noon: Sa sinehan nanonood ang mga tao.
Ngayon: Sa pirated DVD nalang nanonood.



posted by: kitkat ♥



Comments: Post a Comment