Profile
» The name Catherine » Known as kitkat » 24 » nurse » Loves Zaizai, Onew, Koen, Taeyang, Jaejoong, Yunho Books, Kpop » Hates » Enjoys watching Asian series, listening to Kpop and Mandopop, reading books » I ♥ yunho, jaejoong, jinki, koen and taeyang
currently into
♥ Zaizai ♥ KOEN ♥ TVXQ ♥ Shinee ♥ K-OTIC ♥ Secret ♥ Big Bang ♥ B.A.P ♥ CNBlue ♥ Wondergirls ♥ August Band ♥ Harry Potter ♥ Kpop ♥ Mandopop
Wishlist
♣ original TVXQ and SHINEE cds and merchandise (i want all, hahaha, only have few) ♣ VIC membership ♣ 2009 ZaiZai calendar ♣ Real Time K-OTIC shirt ♣ trip to south korea, taiwan and thailand ♣ watch TVXQ (though impossible) and SHINEE perform live (saw shinee performed already but no taemin :c) ♣ watch K-OTIC perform live
Links
--» TWITTER --» TUMBLR --» Cassiopeia Philippines --» Shinee World Philippines --» Secretime Philippines --» BOICE Philippines --» TVfXQ World
Chatbox
Archives
May 2006
June 2006 July 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 March 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 January 2010 March 2010 April 2010 May 2010 July 2010 January 2011 February 2011 March 2011 May 2011 July 2011 November 2011 December 2011 January 2012 February 2012 July 2012 August 2012 October 2012 January 2013 February 2013 June 2013 January 2014 July 2014 August 2014 January 2015 February 2015
|
Saturday, January 10, 2015
1:59 PM
Say goodbye to 2014
As what I used to do every year, here comes my another year ender blog post (kahit na alam kong walang nagbabasa, maliban sakin.) Pero iba kasi yung feeling, especially if gusto mong magbalik tanaw sa mga nangyayari sayo. Well maliban nalang sa mga ibang kaganapan na hanggang diary/planner mo lang diba.
Anyway, I think 2014 is a year of hope for us, especially saming mga nasa Tacloban. Bagong taon matapos manalasa ang super typhoon Yolanda. Mabuti nga na sa amin, January palang, nakabitan na kami kaagad ng kuryente. HIndi rin natapos ang mga tulong at relief sa amin. From international organitions to local. Kaya nga dumami stock ko ng noodles at sardinas. Dahil delikado pa ang kalsada paggabi, 6pm pa lang, tahimik na. Sa ospital nalang rin kami natutulog pag pm shift. Siguro, paghihiwahiwalayin ko to depende sa aspeto ng aking buhay. Unahin na tin sa aspeto ng career. Ganun pa rin, nars pa rin, at sa same hospital pa rin. From Pediatric Department to Internal Medicine isama na ang Nuclear Medicine. Bumalik na rin kami sa station sa 4th floor. Ngunit after ni Typhoon Ruby, evacuate rin kami sa 3rd floor. Para lang kaming mga NPA, No Permanent Address. This year nagexpire na rin ang RN license ko. Pero narenew ko naman. Yun nga lang, hanggang ngayon, di ko pa rin nakukuha, wala pa raw yung bago kong license card. Nagrenew na rin ako ng IVT Training ko. Akalain mo yun, 3 years na pala akong nurse, pero asa Pinas pa rin ako. Hahahahaha. Nagtrain na rin ako bilang Phlebotomy course sa isang local training center. Dumayo pa kami sa Borongan na 4 hours ang biyahe from Tacloban. Pero ok lang, may sinideline rin kasi ako dun. Nagkaroon rin ng Team Building ang ospital, at take note, sosyal, sa Kuting Reef ginawa. 2 days na activity, pero divided into 2 batches kami. Sayang, mas masaya siguro kung isang buong grupo lang kami. Nagkaroon rin ng iba't ibang events sa ospital, from simple Thanksgiving party, to Service Caravan, hanggang Christmas Party, kung saan nagwagi ako ng bagong oven toaster!!! Bongga diba. Pero kung susumahin., maraming learning experience sa career sa taong nagdaan. Sa aspeto naman ng pamilya. Nag1st birthday na rin ang pamangkin kong si Mitmit. Nagkaroon rin ako ng bagong mga pamangkin, si Kira, na nandito sa Tacloban, at ang anak ni Jingjing na nasa Manila. Tumatanda na talaga kami. Kinasal na rin ang pinsan ko. Umalis na rin sila Dodoi at Jhanjhan. They are currently settling in Oman. Pero isa siguro sa malaking pangyayari ay ang pagkamatay ng uncle ko. Sakto pa, I was in Manila nung nangyari yun. Nakakabigla. Namiss ko tuloy si uncle. Sa aspeto naman ng travel. Whoot as in. Last year, I told myself, dapat makapagtravel na ako abroad by 2014. Pero wooot, witit. Pero nakapasyal naman ako dito sa Region 8. Nakarating ako sa Agas Agas Bridge, pati sa Kuting Reef. Nakarating rin ako ng Biliran, pati sa napakagandang Tinago Falls. Nakapunta na rin ako sa Borongan Eastern Samar, kahit na training lang ang sinadya ko dun. Sa aspeto naman ng lovelife. Meron ba? Meron ata, pero ewan, maybe just a short love story. Love story nga ba or infatuation. From curse este crush lang kasi. Hahahaha Sa mga kaibigan naman. First time kong magovernight na kasama ang Bangag. Hehehe, feeling highschool lang. Almost complete rin kami nung nagkita kita kami nung December. New friends rin since may mga bagong staff ng ospital. Nakita ko rin ulit ang mga kaibigan kong sa Kpop ko lang nakilala. Pumunta ako ng Kpopcon6 just to see them again and have a simple chat with them.Though most of them are busy because of the event. Me time. Ang dami kong bagong experiences. Maliban sa magtravel, puro kain rin ang mga ginawa ko. Pano naman kasi, ang daming mga nagbukas na bagong mga restaurants. Nakaranas na rin akong uminom ng beer, medyo malasing at pumarty sa bar/club (oh yeah). Dinaig pa ata ako ng mga teenagers. Yan kasi ang mga di ko naranasan nung teenager pa ako. Pero ok lang malate, kesa pag tumanda na ako at magfeeling bata, di ba. Sinubsob ko rin ang sarili ko sa pagbabasa ng mga novels, panonood ng series, at paggantsilyo. Ang dami kong "me time". Nagstart na rin akong magexercise. Bumili ako ng bike, at nagjajogging na rin ako. HIndi ko alam kung marami ba talagang mga pangyayari. Pero kasi, while summarizing my 2014 planner, parang ang onti lang rin ng mga happenings. Halos puro duty at kain sa labas ang laman. Hahaha. Pero iba ang vibes ko ngayong 2015. Iba eh. Pero sana positive vibes talaga. Bring it on 2015. Labels: 2015 posted by: kitkat ♥ |
|