Profile



~i lay my love ONEW, it's all i wanna do~<


» The name Catherine
» Known as kitkat
» 24
» nurse
» Loves Zaizai, Onew, Koen, Taeyang, Jaejoong, Yunho Books, Kpop
» Hates flying cockroaches, backstabbers
» Enjoys watching Asian series, listening to Kpop and Mandopop, reading books
» I ♥ yunho, jaejoong, jinki, koen and taeyang



Sunday, February 20, 2011
3:13 AM
finally i did it, Catherine Carcellar Peña, RN

Maraming salamat sa lahat ng nagcongratulate sakin simula kanina pang hapon hanggang ngayon.

Finally, after those years, I did it.

Matapos ang mga bagsak na exams nung college, pati nung review. Ang mga puyat nung nagaaral at nagrereview pa ako. Isama na rin ang pag-iyak ko sa mga panahong di ko na alam kung pano papasa sa mga post test at preboards nung nagrereview. Indeed, in every suffering there is a reward. Mas masarap lasapin ang tagumpay kung pinaghirapan.

Maganda ang naging kapalit ng lahat ng sakripisyo ko.Ang hindi paggamit ng computer (kahit na minsan tumatakas ako)
Ang paglagpas ko sa concert ni Rain at showcase ni Jay Park, na pareho ko pang gusto (buti nalang may showtime si jay)
Ang hindi ko pagpunta sa KPOPCON2 (kahit na pumunta ako before and after na ng event)
Ang hindi pagsama sa mga gala.
Ang mga panahong gustong gusto kong manood ng TV ngunit di ko magawa

Naalala ko tuloy yung mga panahong may dala pa akong reviewer pag may practice kami ng Yeoja. Nagdelete ako ng mga kanta sa iPod ko para maglagay ng audio reviewer, na kilaunan tinanggal ko rin. Nakakaantok kasi. Yung mga araw na kasama ko mama ko para maglibot at magdasal sa mga simbahan.

Kanina, nung tinitingnan ko yung result, super bilis ng tibok ng puso ko.
Andun na ako sa letter PE
......
.......
..........
PENA
........

"shit!!! asan ang PEÑA? alam ko marami kaming peña na nagexam" sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko na alam pano sasabihin sa mama ko na di ako pumasa. As in mas bumilis tibok ng puso ko. Binalikan ko ulit. PENA lang talaga, walang PEÑA.

Hanggang sa iniscroll ko pababa ang page

then


PEÑA
22224 PEÑA, CATHERINE CARCELLAR

Napasigaw ako "mama pasado ako!!" Nagulat nalang mama ko, tas bumaba na siya para ibalita kay daddy. At saka ako umiyak. Akala ko talaga bumagsak ako. Whew

Then she hugged me "my nurse na ako"..♥


Kakaiba pala ang feeling


THANK YOU
Sa lahat ng naging professors at lecturers ko
Sa lahat ng schoolmates, batchmates, classmates
BANGAG
Sa lahat ng mga kaibigan ko sa KPOP. Ultimo nung preboards ko ginoodluck niyo pa ako.
Sa lapis at reviewer ni Kayce (ibabalik ko pa pala sayo yung libro at notebook pag nagkita tayo)
Sa novena ni Ara
Sa lahat ng nagdasal para sakin
Sa lahat ng inspirasyon ko (kelangan may ganun? oo, hahaha)
Sa nagdilang anghel na nagcongrats sakin at nagsabing pasado na ako, nung di pa lumalabas ang result
Sa nanay ko na walang humpay sa pagdasal
At syempre kay God at sa lahat ng santong nilapitan ko.



Grabe, ang saya. Hindi ko na hinihingi na magtop, kahit minsan hiniling ko. Masaya ako at pasado na ako.
One take lang

Congrats batchmates!!! Kitakits sa school kung magpapathanksgiving.


ang nagpakaba sakin ng malupit


 THANK YOU LORD

Labels: , , , , , , ,



posted by: kitkat ♥



Comments: Post a Comment