![]() |
|
Profile
currently into
Wishlist
Links
Chatbox
Archives
|
Thursday, August 06, 2009
11:17 PM
waeyo? weisamo? bakit? why?
bakit ba kasi naakadik ang ngiti mo?
dinaig pa ang sigarilyo at alak sa pagiging bisyo bakit ba kasi ang kulit kulit mo? kahit nakakunot ang nuo, mapapatawa mo bakit ba kasi asa korea ka, asa pinas ako? ilang dipa ang layo sa isa't isa bakit ba kasi ang ganda ganda ng boses mo? sa tuwing aawit ka, tila nahuhulog aking kaluluwa tila lahat ng ugat ko ay nabubuhay, bumibilis ang pagdaloy ng dugo kelan ba kasi kita maabot? kelan dadarating ang sandaling makita ka, mahawakan ka, marinig ka masabi ko lang na totoo kang nilalang na hindi ka isang kathang isip, imahinasyon o gawa gawa lang bakit ba kasi naging abala ka noong ika-lima ng hulyo taong dalawang libo't walo eh di sana isa sa mga isang daang kahilihangan ko'y nagkatotoo darating kaya ang mga sandaling iyon? nais kitang makitang umawit, kahit di na mahawakan, yun lang, kahit yun lang *i don't smoke and i don't drink posted by: kitkat ♥
Comments:
Post a Comment
|