Profile



~i lay my love ONEW, it's all i wanna do~<


» The name Catherine
» Known as kitkat
» 24
» nurse
» Loves Zaizai, Onew, Koen, Taeyang, Jaejoong, Yunho Books, Kpop
» Hates flying cockroaches, backstabbers
» Enjoys watching Asian series, listening to Kpop and Mandopop, reading books
» I ♥ yunho, jaejoong, jinki, koen and taeyang



Wednesday, March 11, 2009
9:37 PM
Ang Hiwaga ng Kisses

Noong bata pa tayo, pinaniniwalaan na ang kisses ay dumarami o nanganganak. Ilagay lamang ito sa bulak na may pulbos at itago sa tube na lagayan ng film. Dahil isa dumaan rin ako sa pagkabata, ginawa ko rin iyon nung elementary ako. Ang kisses ay maliliit na may sari-saring kulay at mababango.

Hanggang sa namulat ako nung highschool. Nakakita ako ng maraming kisses sa isang automobile shop. Pabango pala iyon ng kotse, kaya mabango at maramihan kapag binili. At ang pinaniniwalaang panganganak ay kathang isip lamang.

Ngayon, muli nanamang nabuhay ang hiwaga ng kisses. Ngunit sa pagkakataong ito, ibang edisyon naman. Hindi na ito yung maliliit at nilalagay sa bulak na may pulbos. Bagkus, isa na itong malalambot na bilog na ala jelly at nilalagay sa bote na may tubig. Pinaniniwaan naman ito na lumalaki at nanganagnak. Totoo, lumalaki ito sapagkat ang tubig ay pumapasok sa membrane ng "kisses" ngunit ang pagdami=???. Kaya ang kapatid kong grade 6, ang daming bote sa bahay na may kisses.

Sa susunod na henerasyon, anu naman kayang edisyon ng kisses ang papatok sa mga batang babae? Anu ba talaga ang hiwaga sa pagdami ng kisses? Ah basta, para sa akin, sana mga gwapong lalaki nalang ang dumami sa mundo.



posted by: kitkat ♥



Comments: Post a Comment