![]() |
|
Profile
currently into
Wishlist
Links
Chatbox
Archives
|
Thursday, November 06, 2008
1:23 PM
am i a noona?
ang mga batang ito oo.. hindi pa naman ako ganun katanda, hindi naman nagkakalayo ang mga edad namin, pero tila feeling ko mas matanda sila, haha. ang tangkad ni minho at onyu, ang mature tingnan ni key at jonghyun. si taemin lang ata ang mukhang bata, pero dahil sa amigo nila, nagmukha na siyang mature..
hindi ko maintindahan kung may suliraning hinaharap si key sa kanyang kasarian, lalaki siya ngunit minsan nakikita ko na may pagkababae, gayun pa man, mahal ko ang mga kalokohan niya at ang mga landian nila ni jonghyun, isama na ang pagiging ina niya kay taemin at kung panu niya ito pagalitan. ang ingles na boses niya ay tila hangin na tumatangay ng saplot ko ang boses ni jonghyun ay mala-anghel na nasa lupa. ang kanyang kakisigan ang nagbibigay ng agam-agam kung siya ba talaga ay labingpitong taong gulang na, ang kanyang pagiging matamis (sweet?lol) este malambing pala, ang nagpapatunaw ng aking inosenteng puso bata man kung tingnan ngunit ngayun nagmuka ng "hot", ang aking baby na si taemin ay isang tunay na anghel, ang kanyang mga ngiti ang nagbibigay liwanag sa aking araw, ang kanyang mga ngiti na nagsasabing, masayang mabuhay at siyempre, higit sa lahat, ang aking irog na onyu na tila nagkait sa akin ang panahon pagakat nauna lang ako ipanganak ng isang buwan, gayun pa man, hindi ito naging sagabal. ang sarap kurutin ng kanyang mga pisngi. ang cute niya sa tuwing pumipiyok siya, nung nadulas siya sa entablado noong sumayaw sila, kapag basag ang mga jokes niya at sa tuwing ngumingiti siya na nagtatago na ang kanyang mga mata
hay buhay, sana bigyan ako ng pagkakataong makita at masaksihan sila habang nabubuhay pa ako
*bow* posted by: kitkat ♥
Comments:
Post a Comment
|