Profile



~i lay my love ONEW, it's all i wanna do~<


» The name Catherine
» Known as kitkat
» 24
» nurse
» Loves Zaizai, Onew, Koen, Taeyang, Jaejoong, Yunho Books, Kpop
» Hates flying cockroaches, backstabbers
» Enjoys watching Asian series, listening to Kpop and Mandopop, reading books
» I ♥ yunho, jaejoong, jinki, koen and taeyang



Friday, September 19, 2008
11:27 PM
SuJu noon, SuJu ngayun

matagal tagal na rin akong huling sumulyap sa mga miyembro ng super juniors or kilala rin bilang SuJu. Kasagsagan pa ng Show Me Your Love nung una at huli ko ata silang tinitingnan. Dahil lamang na kasama sila ng DBSK, kaya nakilala ko sila. Nang mapanood ang Dream Concert at SM Town Concert, halos di ko na kilala silang lahat. Ang daming nagbago sa kanilang lahat.

Una. Akala ko, si KyuHyun ay bagong miyembro. Nung tiningnan ko ulit ang lyrics ng Show Me Your Love, nakita ko ang name ni KyuHyun doon. Pagtingin ko sa MV, iba ang itsura niya noon. Mas gwapo siya ngayon.

Pangalawa. Si SiWon. Dahil noon, mahaba pa ang buhok niya, di ko siya type. Pero matapos ko mapanood ang opening ng Dream Concert na kung saan siya ang nagdrums, walang hiya, ang hot na niya ngayon..Hahaha.. Super hot.

Pangatlo. Feeling ko may nagbago kay KangIn. Hindi ko lang mawari kung ano yun.

Pangapat. Mas gumwapo si DongHae. Sa MV ng Kissing You ang gwapo niya. Dahil nga nung kasagsagan pa ng Show Me Your Love ko sila nagustuhan, lately ko lang napanood yung Kissing You dahil nacurious rin ako sa SNSD. Ngunit ngayun, pumayat pa si DongHae. Marahil stressed na.

Panlima. Ang laki ng ipinayat ni ShinDong. Noon pa lamang, ang tingin ko kay ShinDong ay clown. Sa perf ng SuJu H sa Dream Concert, yung Cooking Cooking, ang cute ni ShinDong doon. Tapos ang payat na niya.


At ang huli. Panganim. Bakit nagkaroon ng subunits ang SuJu? May SuJu M, SuJu H, at marami pa. May mga iba pang members na hindi ko na kilala. Hindi ko na nga sila nasubaybayan. Hay naku.


Marahil ang buong pagiging fangirl ko ay natuon sa DBSK at ngayon ay nadagdagan na ng SHINee. Naalala ko tuloy bigla ang SS501, anu na ba nangyari sa kanila? haha..



posted by: kitkat ♥



Comments: Post a Comment