Profile



~i lay my love ONEW, it's all i wanna do~<


» The name Catherine
» Known as kitkat
» 24
» nurse
» Loves Zaizai, Onew, Koen, Taeyang, Jaejoong, Yunho Books, Kpop
» Hates flying cockroaches, backstabbers
» Enjoys watching Asian series, listening to Kpop and Mandopop, reading books
» I ♥ yunho, jaejoong, jinki, koen and taeyang



Wednesday, August 13, 2008
5:47 AM
Hindi pa pala katapusan ng lahat

Akala ko talaga tuluyan nang guguho ang mga pangarap ko kahapon. Pagsapit ng asignaturang Pharmacology, pinakita ang aming mga grado sa nagdaang midterm. Akala ko bagsak ako sapagkat wala na ito sa passing grade. Ngunit sinabi sa aking ng aking kaklase na pasado pa sapagkat saktong 75 ang equivalent. Ganun rin pala ang kanyang nakuha. Medical-Surgical Nursing na at yun parin ang aming guro. Alam ko na bagsak ako sapagkat nahirapan akong manghula sa respiratory at nagkanda-letse letse ang bokabularyo ko sa salitang "anticipates". Nakaligtaan ko ang simpleng bokabularyo ko. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, pumasa ako. Mas mataas pa sa pharma ko. Pediatrics na at inaasahan ko rin na bagsak ako sapagkat nakalimutan ko yung ibang kong pinag-aralan. Matapos wastuhin ang mga papel, lumabas na pasado rin ako.


Nung highschool ako, gusto ko mataas ang mga marka ko. Ayoko ng mababa at bagsak dahil painguradong papagalitan ako ng aking ina. Ngayon, hindi na ako naghahangad ng matataas ng marka. Ang importante sa akin ngayon ay makapasa sa dalubahasa ng narsing at maging magaling na nars paglaki.



posted by: kitkat ♥



Comments: Post a Comment